Salvage victim natagpuan

MANILA, Philippines - Itinapon sa kalsada ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki na sinasabing biktima ng salvage sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Inilarawan lamang ang biktima na may taas na ‘5’5” hanggang ‘5’7”, medium built, naka-shorts na pula at itim na shirt.

Base sa inisyal na report ng pulisya, dakong alas-5:45 ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima sa kahabaan ng C-3 Road, ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na may balot ng masking tape ang mukha ng biktima, nakagapos ang mga kamay at paa at laslas ang leeg nito.

Nagsasagawa na nang follow-up operation­ ang mga pulis hinggil sa na­sabing insidente.

Show comments