Paslit lasog sa SUV

MANILA, Philippines - Patay ang isang limang taong gulang na batang lalaki, matapos na masagasaan ng rumaragasang isang SUV sa may Project 3 lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Chester Bon Siva, ng Brgy. Claro, Project 3 sa lungsod.

Nasa kustodiya naman ng Quezon City Police District-Traffic Sector 3 ang suspect na si Domingo Urbina, 32, family driver at residente ng Project 2 sa lungsod.

Nangyari ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima sa may Apitong St. Brgy. Claro Poject 3 sa lungsod, pasado alas-6 ng gabi.

Kalalabas lamang umano ng biktima sa kanilang bahay nang aksidenteng mabangga ito ng suspect na nagmamaneho ng isang Ford Everest na nakarehistro sa Nestlé Philippines.

Nagawa pang maisugod sa East Avenue Medical Center ang biktima ngunit idineklara din itong dead-on-arrival sanhi ng matinding pinsala sa katawan.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang kinakaharap ngayon ng suspect.

Show comments