Mag-utol itinumba ng riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa magkapatid na binata makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa mataong­ lugar sa Barangay Masambong, Quezon City kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng Masambong PNP, naki­lala ang magkapatid na sina Gilbert Bernardo, 20; at Jayson Bernardo, 18, kapwa nakatira sa Sitio Kaingin, Barangay Apo­lonio Samson sa nasabing lungsod.

Lumilitaw na sinundo ni Gilbert ang kanyang kapatid sa Police Station 1 matapos na lumaya dahil sa kasong robbery/holdup kung saan umatras ang complainant nito.

Gayon pa man, habang naglalakad papauwi, bigla na lamang sumulpot at niratrat ang mag-utol ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng Crony Street bandang alas-3:30 ng hapon.

Dead-on-the-spot si Gil­bert habang naisugod naman sa Quezon City General Hospital si Jayson subalit nasawi rin, ayon kay PO2 Jogene Hernandez ng Criminal Investigation and Detection Unit.

Show comments