^

Metro

Malunggay, kalabasa pandesal inilunsad

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Malunggay at kalabasa pandesal.

Ito naman ang makabagong sangkap ng pandesal na kinagigiliwang kainin ng mga Pinoy sa paglulunsad nito kahapon kasabay ng pagdi­riwang ng World Health Day, para mapakain ang mga Filipino ng  isang masustansiyang tinapay na nagtataglay ng Bitamina A.

Sa pulong Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni Lucito Chavez, Pangulo ng Philippine Society of Baking (PSB), tema ng pagdiriwang ng WBD ang “Malusog na tinapay, para sa malusog na pamumuhay”.

Ayon kay Chavez, kung magiging mura ang malunggay at kalabasa sa merkado, tiyak na magiging mura din ang presyo ng malunggay at kalabasa pandesal.

Bukod pa sa mayaman sa bitamina A, makakabuti sa mata ng bata ang malimit na pagkain ng malunggay at kalabasa pandesal.

Ipinaliwanag ni Chavez na hindi lamang pagnenegosyo sa baking industry ang kanilang hangad kundi mabigyan ng maayos na kalusugan ang publiko.

Sinabi din ni Chavez na dapat na makipagtulungan ang pamahalaan para maging “affordable” ang presyo ng malunggay at kalabasa dahil noong gumawa umano sila ng kamote pandesal, ay itinaas naman ang presyo ng kamote.

Tiniyak din ni Chavez na tatangkilikin ng mga Pinoy ang malunggay at kalabasa pandesal, dahil ang lasa nito ay mas masarap sa nakasanayang pandesal na kinakain ng mga Pilipino.

Ang teknolohiya sa paggawa ng  nabanggit na pandesal ay ibabahagi sa mga maliliit na panadero.

Patuloy umano ang pagbibigay ng seminar  ng PSB, Filipino-Chinese Bakery Association  Inc.(FCBAI) at Philippine Federation of Bakers­ Association Inc. (PFBAI).

ASSOCIATION INC

BITAMINA A

CHAVEZ

FILIPINO-CHINESE BAKERY ASSOCIATION

LUCITO CHAVEZ

PANDESAL

PHILIPPINE FEDERATION OF BAKERS

PHILIPPINE SOCIETY OF BAKING

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with