MANILA, Philippines - Isinusulong ni Manila 3rd District Councilor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang pagbawas sa parking fee sa mga malls sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Nieto, hindi umano makatarungan na pantay ang singil ng mga malls sa parking fee ng mga motorsiklo at mga kotse.
Sinabi ni Nieto na patuloy ang pagdami ng gumagamit ng motorsiklo bunsod na rin ng matinding trapiko sa bansa.
Nabatid na umaabot sa P30 ang sinisingil na parking fees sa mga mall sa mga motorsiklo gayung mas maliit ang motorsiklo kaysa sa isang four-wheel vehicle na katumbas nito ay maaaring makapag-park ng apat na motorsiklo.
Bunsod nito, layunin ng naturang resolusyon na gawing P15 sa halip na P30 ang parking fee ng mga motorsiklo sa mga mall at iba pang operators na may parking facilities sa lungsod.