^

Metro

Estudyante binoga sa mukha

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Binoga sa mukha ang isang 18-anyos na estudyante na pinaniniwalaang natiyempuhan ng dating kaalitan sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi. Dead-on-arrival sa Chinese Ge­neral Hospital ang biktimang si Manuel Bon Brosco ng Sevilla st. 3rd Avenue, Caloocan City na nagtamo ng isang bala sa mukha at lumagos sa likod ng ulo. Wala pang impormasyon sa pagkaka­kilanlan sa suspect. Dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng R. Avenue at R. Papa St., sa Sta. Cruz, Maynila. Nagmamaneho umano ng motorsiklo ang biktima nang biglang nakarinig ng putok ng baril ang mga tambay kung saan nakita ang biktima na bumulagta sa kalsada. Teorya ng pulisya posibleng inabangan ng suspect ang pagdaan ng biktima. Ma­aaring may kaalitan umano ito. Patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing krimen.   

vuukle comment

BINOGA

CALOOCAN CITY

CHINESE GE

CRUZ

DAKONG

MANUEL BON BROSCO

MAYNILA

NAGMAMANEHO

PAPA ST.

PATULOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with