^

Metro

Higanteng billboards hindi matiklop dahil sa TRO

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nangangamba ngayon ang Metropolitan Manila­ Development Authority (MMDA) sa pa­nganib na maaaring idulot ng mga higanteng bill­boards ngayong pagragasa ng bagyong Pedring at mga susunod pang bagyo dahil sa hindi nila maaaring itiklop ang mga ito base sa umiiral na “temporary restraining order (TRO)” na inilabas ng Makati Regional Trial Court laban sa kampanya sa iligal na billboards.

Ipinaalala ni MMDA Chairman Francis Tolen­tino ang mga naganap noong bagyong Milenyo na tumama sa Metro Manila noong 2006 kung saan nagbagsakan ang mga puno at mga bill­boards na dahilan ng pagkawasak ng mga ari-arian at pagkawala ng buhay ng ilan.

Noong nakaraang buwan, sa kasagsagan ng bagyong “Mina”, isang lalaki ang nasawi habang walo ang nasugatan nang bumagsak ang isang billboard structure sa kahabaan ng Quirino Highway, Novaliches, Quezon City dahil sa malakas na ulan at mahinang imprastruktura.

Naglunsad nitong mga nakaraang buwan ang MMDA ng operasyon laban sa mga iligal na billboards na lumalabag sa National Building Code of the Philippines ngunit pinahinto ito nitong Setyembre 1 ni Judge Elpidio Calis ng Makati Regional Trial Court Branch 133 na naglabas ng TRO laban sa kampanya ng MMDA.

Nagsumite kahapon ng “urgent motion” ang MMDA sa naturang korte upang agad na payagan na pansamantalang itiklop ang mga naglalakihang billboards sa lansangan sa pag­ragasa ng bagyo.

Sinabi ni Tolentino na umaasa siya na mapagbibigyan ni Judge Calis kapag nakita ang mga merito na pagpigil sa posibleng mga aksidente sa ari-arian at buhay na maaaring idulot ng pag­bagsak ng mga billboards.   

CHAIRMAN FRANCIS TOLEN

DEVELOPMENT AUTHORITY

JUDGE CALIS

JUDGE ELPIDIO CALIS

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA

NATIONAL BUILDING CODE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with