^

Metro

Dahil sa sunog ginang inatake sa puso, patay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Namatay sa atake sa puso ang isang 53-anyos na ginang nang madamay sa sunog ang kanyang bahay sa higit 100 kabahayan na nilamon ng isang malaking sunog sa isang residential na lugar sa Parañaque City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawing ginang na si Joselyn Esmaela, na nalagutan ng hi­ninga dahil sa atake sa puso bunsod ng pagkataranta sa pagkatupok ng kaniyang bahay na nasa Brgy. Sto. Nino, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Parañaque City Fire Station, nagsimula ang sunog dakong alas-11:32 ng gabi sa bahay na inookupa ng pamilya ng isang Boy Danic sa Area II B Libho, Bgy. Sto. Niño hanggang mabilis na kumalat ang apoy.

Nabatid kay FO3 Vicente Aurellano, tinatayang aabot sa halos P3 milyong halaga ng mga ari-ariang naabo na naapula dakong alas-2:51 ng madaling-araw. Aabot naman sa 300 pamilya ang nawalan ng tahanan sa naturang sunog.

Aminado naman si Parañaque Fire Marshall Supt. Manuel Manuel na na­hirapan silang apulahin kaagad ang apoy dahil hindi kaagad nakapasok ang kanilang mga bumbero sanhi ng napakasikip na daanan.

vuukle comment

AABOT

AMINADO

B LIBHO

BOY DANIC

CITY FIRE STATION

FIRE MARSHALL SUPT

JOSELYN ESMAELA

MANUEL MANUEL

STO

VICENTE AURELLANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with