11-anyos todas sa ex-Marines

MANILA, Philippines - Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang dating sundalo ng Philippine Marines makaraang mabaril at mapatay ang isang 11-anyos na batang lalaki habang isa pa ang malubhang nasugatan sa naganap na kaguluhan kahapon ng umaga sa Makati City.

Kinilala ng pulisya ang nakatakas na suspek na si Jude Darang, 29, ng #179 24th Avenue, Brgy. East Rembo, habang nadakip naman ang dalawang kasamahang suspek na sina Dave Rasa, 19; at ang 17-anyos na kapatid ni Darang na hindi pinangalanan dahil sa menor-de-edad.

Idineklarang patay sa Ospital ng Makati ang biktimang si Aljon Darang Rasa ma­tapos tamaan ng bala ng sumpak habang si Eduardo­ Darang, 21, ay ginagamot din dahil sa tinamong saksak sa katawan.

Sa ulat ng Makati City PNP, naganap ang pamamaril at pananaksak dakong alas-5:30 ng umaga sa loob ng bahay ng mga suspek at mga biktima.  

Sinabi ni P/Supt. Jaime Santos na blangko pa rin sila sa motibo ng mga suspek para mapatay ang biktima.

Show comments