Misis inutas ni mister ng barbecue stick

MANILA, Philippines - Utas ang isang babae matapos na tarakan ng barbeque stick sa katawan ng kanyang mister na nainis umano nang talakan ng una hinggil sa madalas nitong pag-inom ng alak sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO2 Jogene Hernandez, nakilala lamang ang nasawi sa pangalang Cindy, nasa 25-30-anyos ang edad at mangangalakal ng basura sa lugar. 

Pinaghahanap naman ang mister nito na nakilala lamang sa pangalang Patrick.

Naganap ang insidente sa may kahabaan ng Emma Road, Brgy. Kaunlaran, Cubao. Mismong sa dibdib ng biktima itinarak ng suspect ang barbecue stick bago ito tumakas.

Nagawa namang ma­itakbo sa Quirino Me­morial Medical Center (QMMC) ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival.

Bago ito, nakikipag-inu­man umano ang suspect sa ilang kalalakihan sa may Emma Road nang dumating si Cindy at kinompronta ito.

Sa komprontasyon ay tina­lakan ng biktima ang suspect dahil sa madalas nitong pag-inom ng alak na ugat upang magtalo sila. Dito dinampot ng suspect ang barbeque stick at itinarak sa dibdib ng una, saka tumakas.

Show comments