May polio, nagbigti

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi na matagalang kalagayan, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang binatang may polio sa Caloocan City, kahapon ng umaga. Patay na nang matagpuan si Joven Abadia, 27, ng East Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod. Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-6 ng umaga nang makitang nakabigti gamit ang lubid ang biktima sa loob ng kanilang bahay ng kanyang ina na si Lilibeth. Nabatid na laging malungkot ang biktima dahil sa kalagayan nito sa buhay at sa kanyang sakit na polio.

Show comments