Lolo tigok sa sakit

MANILA, Philippines - Posibleng bunga na rin ng katandaan at pagkakaroon ng sakit kaya tulu­yan nang namahinga ang isang 70 anyos na lolo na dati umanong taga walis ng kalye nang madiskubre ang bangkay nito sa Quiapo, Maynila, kahapon ng mada­ling-araw.

Kilala lamang sa alyas na “Mang Genio” ang biktima na natagpuan sa bang­keta na nakasuot ng kulay pulang shorts at asul na t-shirt, dakong alas-3:45 ng madaling-araw, kahapon sa bangketa ng Cardena St.

Sa ulat ni SPO3 Danilo Vidad ng Manila Police Dis­trict-Homicide Section, may tatlong taon na umanong sa lansangan naglalagi ang ma­tanda na nagsisilbing street sweeper ng Barangay 391, Zone 40, sa Quiapo.Nabatid din na na-stroke pa umano ito noong nakalipas na Pebrero kaya’t hindi na siya pinagwawalis sa kalye at binibigyan na lamang ng makakain  ng mga resi­dente sa lugar.  Inilagak  ang bang­kay sa Saint Yvan Funeral Homes para sa safekeeping.

Show comments