^

Metro

13 katao huli sa pagdadala ng mga armas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Arestado ang may 13 katao na umano’y maki­kipag-transaksyon sana sa pagbili ng “tuko” ma­tapos na makuhanan ng matataas na kalibre ng armas malapit sa isang restaurant sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Edgardo Pamittan, hepe ng Police Station 5, ang mga naaresto na sina Virgilio Lim, Edwin Tucay, Ronald Cuson, Benito Apostol, Billy Apostol, Ferdinand Apostol, Zaldy Bataan, Nestor Casta­ñeda, Alexander Apostol, Roselyn Hernan­dez, Mark Alvin Sevilla, Christopher Valdez at Florante Santos. 

Subalit paliwanag ni Pamittan, tatlo lamang sa 13 ang napatunayang nagkasala matapos ang isinagawang inquest proceedings kahapon sa Quezon City hall dahil sa pagdadala ng mga de-kalibreng mga armas. Kabilang dito sina Apostol, 37, negos­yante ng Brgy. Cubcub, Capas, Tarlac; Castañeda, 46, ng Alcala, Pangasinan; at Apostol, 59, Criturary Capas Tarlac.

Nagpakilala rin anya ang mga suspect  na agent ng Philippine Army at may identification card na miyembro ng “Soldier Development Center Training and Doctrine Command.

Ayon kay Pamittan, nangyari ang pag-aresto sa may Bulalo Fiesta restaurant na matatagpuan sa Commonwealth Ave­nue, North Fairview sa lungsod, ganap 9:30 ng gabi.

Bago nito, nakatanggap ng impormasyon ang tanggapan ni Pamittan mula sa district tactical ope­ration center (DTOC) sa Camp Karingal ka­ugnay sa ilang kalalakihang may dalang mga baril sa nasabing lugar.

Agad na pinapuntahan ni Pamittan sa kanyang tropa na pinamunuan ni Senior Insp. Alfredo Lopez ang lugar sakay ng dalawang mobile patrol at inaresto ang mga ito.

Nang paikutan ng mga awtoridad ang mga suspect ay nakuha kay Castaneda ang isang kalibre 45 baril. At sa ginawang pagsisiyasat sa dala ni Alexan­der Apostol na Honda Civic (CLA-164) ay narekober din ang isang M-16 baby armalite at gloc 26 9mm caliber.

Bukod dito, narekober din sa isang Mitsubishi Adventure (RBJ-866) ang dalawang 9mm baril at mga magazine.

Dagdag ni Pamittan, walang maipakitang li­sensya ang mga suspect sa dala nilang mga baril na pawang mga tampered o binago na ang serial number, gayundin ang da­lawang sasakyan na dala ng mga suspect.

Kasong illegal pos­session of firearms ang kinakaharap ngayon ng mga suspect na may nakalaang piyansang P80,000 bawat isa.   

ALEXANDER APOSTOL

ALFREDO LOPEZ

APOSTOL

BENITO APOSTOL

BILLY APOSTOL

BULALO FIESTA

CAMP KARINGAL

PAMITTAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with