2 kawatan ng bike, tiklo

MANILA, Philippines - Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang res­ pon­sable sa mga ni­na­­na­kaw na motorsiklo ang nadakma sa itinayong checkpoint  sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Edman Acab, 29, ng Santiago St., Parada ng na­banggit na lungsod at Emma­nuel Rivero, 20, ng Barangay Bancal, Meycauayan City, Bulacan.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi, habang nagsagawa ng checkpoint ang mga pulis sa Barangay Malanday nang dumaan ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Sa halip na tumigil ay pinasibad ni Acab ang motorsiklong walang plaka kaya napilitang habulan ng mga pulis.

Nakorner naman ang mga suspek kung saan walang maipakitang ka­u­ku­lang papeles sa minamanehong motorsiklo.

Sa beri­pikasyon, lumi­litaw na may nakabinbing warrant of arrest si Acab mula sa Valensuela Regional Trial Court Branch 172.

Show comments