Mag-amo sinalvage sa loob ng van

MANILA, Philippines - Palaisipan sa mga awtoridad ang pagkakatuklas sa dalawang bangkay ng lalaki na kapwa may tama ng bala ng baril sa ulo sa loob ng isang sasakyan sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng mga elemento­ ng Scene of the Crime Ope­­rations (SOCO) ng Que­zon City police ang mga biktima na sina Mark Martial Orillo, 25, driver, ng Sta. Sabina St., Villa Sabina Subdivision, Novaliches Quezon City at ang negos­yanteng amo na si Arnel Men­doza, 38, ng Tayuman St., Tondo­ Manila.

Si Orillo ay may tama ng bala ng baril sa kan­yang kanang sentido habang si Mendoza ay may tama ng bala sa kanang mata.

Sinasabing ang dalawang bangkay ay natag­puan sa loob ng isang kulay silver Hyundai SUV (WHG-159) pasado alas-11:35 kamaka­lawa ng gabi na nakaparada sa panulukan ng Sct. Fuentebella at Sct. Tobias Sts. sa Brgy. Laging­ Handa, Quezon City.

Blangko pa ang pulisya sa kung sino ang gumawa ng krimen. Habang patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

Show comments