Bangkay ng 7-anyos narekober sa creek

MANILA, Philippines - Bangkay na nang maiahon ang isang 7-anyos na batang lalaki kamakalawa ng umaga makaraang mahulog at malunod­ sa isang creek sa kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na ulan sa Las Piñas City.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jovin Tador, grade 1 pupil, at naninirahan sa Christian Habitat, Creekside, Golden Acres, ng naturang lungsod.

Dakong alas-10:30 kamakalawa ng umaga nang marekober ng mga residente ang katawan ni Tador sa isang creek sa may Ligas II, Bacoor, Cavite.

Nabatid na unang nahulog at tinangay ng malakas na agos ang biktima nitong Hulyo 26 (Martes) sa creek sa tabi ng kanilang bahay habang todo ang pagbuhos ng ulan. Tinangay ang paslit hanggang sa makarating ito sa may Bacoor­, Cavite kung saan ito narekober.

Show comments