Korte sa Parañaque nasunog

Manila, Philippines - Pinaniniwalaang nag-overheat na computer ang dahilan ng pagkasunog ng Office of the Clerk of Court sa Parañaque Regional Trial Court kahapon ng umaga.

Sa sketchy report ng Parañaque City Fire Department, dakong alas-7:30 ng umaga nang magliyab ang naturang tanggapan malapit sa tanggapan ng Office of the Mayor.

Subalit, hindi naman na­apektuhan ang tanggapan ng alkalde dahil kaagad namang naapula ang apoy ng rumespondeng mga bumbero dakong alas-7:45 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigas­yon, pinaniniwalaang mula sa isang nag-overheat na computer na nakalagay sa loob ng OCC ang dahilan nang pagsiklab ng apoy.

Wala namang napaulat na nasaktan o nadisgrasya sa nabanggit na insidente.

Patuloy pang iniimbestiga­han ng arson investigator ang naturang insidente at inaalam pa rin ang halaga ng mga ari-ariang naapektuhan.

Show comments