13-anyos ni-rape na, pinatay pa

MANILA, Philippines - Karumal-dumal ang sina­­pit ng isang 13-anyos na dalagita na natagpuang patay at may palatandaan na ginahasa rin sa isang   mausoleum sa La Loma Cemetery, Caloocan City kahapon.

Positibong kinilala ang biktima na si Paola Viray ng kanyang inang si Elizabeth.

Ito ay naninirahan sa loob ng sementeryo.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Opera­tives(SOCO), lumilitaw na basag ang bungo ng biktima bukod pa sa tinamo nitong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Aling Elizabeth, noong isang araw pa hindi umuuwi ang kanyang anak kung kaya’t nagpasya na siyang hanapin ito.

Aniya, isang text message ang kanilang natanggap kung saan nakasaad na nasa likod ng isang nitso ang biktima.

Agad nilang ginalugad ang loob ng sementeryo kung saan natagpuan ang biktima na nakatali ang mga paa at kamay habang walang saplot.

Sinabi ng pulisya na po­sibleng kilala ng biktima ang mga suspect at nan­laban ito kung kaya’t pinatay.

Show comments