Binatilyo nagbigti

MANILA, Philippines - Isang 16-anyos na binatilyo ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti kahapon ng mada­ling-araw sa Valenzuela City. Patay na nang matagpuan si Arnold Precones, ng Bonifacio St., Brgy. Canumay East ng nabanggit na lungsod.

Sa pahayag ng nanay ng biktima na si Helen, dakong alas-12:20 ng madaling-araw, nagising ito at tiningnan ang anak sa kuwarto, ngunit wala ito sa loob. Hinanap ng ginang ang anak at nang umakyat sa ikalawang palapag ay laking gulat nang makitang nakabigti na ito ng nylon cord. Inaalam pa ang posibleng dahilan ng pagpapatiwakal nito.

Show comments