11-anyos ginawang sex slave ng amain

MANILA, Philippines - Isang 11-anyos na batang babae ang ginawang sex slave ng kanyang amain, iniulat kahapon sa Navotas City.

Nakapiit na sa Navotas City Police ang suspect na si Danny Vigar, 40, matapos na ireklamo ng biktimang itinago sa pangalang Rochelle.

Nagsimula umano ang kalbaryo ng biktima sa kamay ng suspek may isang buwan na ang nakalilipas makaraang umuwi sa kanilang probinsiya ang ina ni Rochelle at doon na sinimulang pagsamantalahan ng naiwang amain ang biktima.

Kamakalawa ay doon na naman nagbabalak ang suspect kung kaya agad nang nagsumbong ang biktima.

Show comments