^

Metro

Bentahan ng endangered species, tuloy pa rin sa Pasay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tuloy pa rin ang bentahan ng mga “endangered at exotic animals” sa Cartimar, Pasay City makaraang sari-saring hayop na nanganganib nang mawala ang nasamsam sa pagsalakay na isinagawa ng Pasay City Veterinary Office kamakalawa.

Pinangunahan ni City Veterinary Office chief, Dr. Ronaldo Vernasor ang pagsalakay katulong ang Pasay City Police sa Stall No. 2 sa Cartimar Pet Shop.

Nakumpiska dito ang iba’t -ibang endangered species kabilang ang dalawang tarantula spider, 18 Tawi-Tawi brown dove, tatlong Chinese soft shell torquise, dalawang garter snake, 2 ring neck parrot at mga bleeding heart doves.

Walang dokumentong maipakita ang may-ari ng naturang pet shop sa pagbebenta ng naturang mga hayop.

Ayon kay Dr. Vernasor, tinatayang mahigit sa isang daang libong­ pisong halaga ng kanilang mga nakumpiskang mga exo­tic at endangeres species na kanila namang dadalhin sa panga­ngalaga­ ng Parks and Wild Life ng Dept of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City.

CARTIMAR PET SHOP

CITY VETERINARY OFFICE

DEPT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DR. RONALDO VERNASOR

DR. VERNASOR

PARKS AND WILD LIFE

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY VETERINARY OFFICE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with