Trader dedo sa sariling baril

MANILA, Philippines - Patay  ang isang 41- anyos na negosyante nang mabaril nito ang kanyang sarili habang nililinis ang kanyang calibre .45 baril kamakalawa ng tanghali sa Port Area, Maynila. Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Rode­rick Vallecer ng Blk 2 Lot 42, 2nd Street Port Area, Maynila, sanhi ng tama ng bala sa kanyang dibdib. Sa imbestigasyon ni SPO3 Dave Tuazon ng Manila Police­ District­ Homicide Section, dakong alas-12:30 ng tanghali nang maisipan ng biktima na linisin ang kanyang service firearm. Pinupunasan ng biktima ang kanyang baril nang aksidenteng makalabit ang gatilyo at pumutok na tumama sa kanyang dibdib. Mabilis na isinugod ng mga kasamang pulis ang biktima sa ospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Show comments