^

Metro

Klase sa Valenzuela at Malabon, sinuspinde

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Bunsod ng walang puk­nat na pag-ulan na dala ng bagyong Egay na umalis na sa bansa at papara­ting na ang bagyong Falcon kung kaya sinuspinde kahapon ng pamunuan ng Department of Education ang klase sa elementary at high school sa Valenzuela, Malabon at Region 3.

Tinukoy ng DepEd ang mga paaralan na sinus­pinde ang klase sa Valen­zuela ay ang Coloong Ele­mentary School, Tagalag Elementary School, Isla Ele­mentary School, A. Deato Elementary School, Wawang Pulo, Elementary School, PR San Diego Ele­mentary School, A. Fernando Elementary School, Pio Valenzuela Elementary School, Pasalo Elementary School, Pulo National High School, Arkong batao High School, at ang Dalandanan High School.

Samantala, sa Malabon City kinansela ang klase sa Dampalit Elementary School, Panghulo Elementary School Unit 1, Panghulo High School, Tonsuya Elementary School at Muzon Elementary School.

Sa Region III naman ay sinuspinde ang lahat ng antas ng klase sa elementary at high school.

Ayon sa DepEd, ang kan­selasyon ng klase ay bunsod ng pagbaha sa mga nabanggit na lugar dahil sa magdamag na pagbuhos ng ulan.

vuukle comment

COLOONG ELE

DALANDANAN HIGH SCHOOL

DAMPALIT ELEMENTARY SCHOOL

DEATO ELEMENTARY SCHOOL

DEPARTMENT OF EDUCATION

ELEMENTARY

ELEMENTARY SCHOOL

FERNANDO ELEMENTARY SCHOOL

SCHOOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with