^

Metro

Drug pusher tukuyin, arestuhin - Lim

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagka-alarma  si Manila Mayor Alfredo­ Lim sa pagtaas ng bilang ng mga drug addict sa lungsod kung saan pinatututukan nito sa mga pulis ang  mga drug pusher at hindi ang mga drug user.

Sa ginanap na command conference, sinabi  ni Lim na biktima lamang ang mga  drug user kung kaya’t dapat na dinadala ang mga ito sa rehabilitation center sa Manila North Cemetery at hindi sa kulungan.

Ayon kay Lim, dapat na  paigtingin pa ng  mga pulis ang pagbuwag sa mga drug pushers gayundin ang mga manufacturer nito na siyang ugat ng pagdami ng mga addict sa  lungsod.

Sa katunayan umano, maaari ring gamiting testigo ang mga drug user upang matukoy ang mga drug pushers­ at manufacturer. Dahil dito, inatasan ni Lim sina traffic bureau chief Maj. Reynaldo Nava at mobile chief Maj. Edgardo Reyes na magkaroon ng koordinasyon upang matiyak na sapat ang pagpapakalat ng mobile at motorcycle cops upang ma­proteksiyunan ang mga kabataan lalo na ang mga estudyante.

Sinabi naman ni  Manila Barangay Bureau chief Atty. Analyn Buan na nakakalungkot na sa 897 barangay sa lungsod ay wala man lamang isang barangay na masasabing ‘drug free’.

Naniniwala si Buan na kung mas paiigtingin pa ang kampanya laban sa droga, maaari ring makamit ng ilang barangay sa lungsod ang ‘drug free’ barangay tulad ng ilang barangay sa Quezon City.

Kailangan lamang umano ang koordinasyon ng pulis at mga barangay chairman upang mas madaling matukoy at masugpo ang illegal drugs.

ANALYN BUAN

BARANGAY

DRUG

EDGARDO REYES

MAJ

MANILA BARANGAY BUREAU

MANILA MAYOR ALFREDO

MANILA NORTH CEMETERY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with