Tattoo artist itinumba sa loob ng bahay

Manila, Philippines - Patay ang isang tattoo artist matapos na ratratin ng hindi kilalang suspek habang nagkakape sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Pasig, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Jaime Sabandal, 37, ng Vicper Compound, Brgy. Malinao, Pasig City.

Batay sa inisyal na ulat, lumilitaw na dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Kasalukuyan umanong nagkakape ang biktima nang bigla na lamang pumasok ang suspect sa bahay at malapitang pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan.

Mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang di pa batid na kalibre ng baril na ginamit sa krimen.

Inaalam na ng pulisya ang motibo ng krimen, gayundin ang pagkakakilanlan ng suspek sa krimen.

Show comments