Ex-police, todas sa saksak

Manila, Philippines - Binurdahan ng saksak hanggang sa mapatay ng hindi pa kilalang suspect ang isang retiradong pulis na suma-sideline bilang tricycle driver kahapon ng madaling- araw sa Quezon City.

Ang biktima ay nakilalang si Ginsano Tutor, 58, ng   Ama St., Sitio Mendez, Brgy. Baesa, Quezon City,  na da­ting nakatalaga sa Caloocan Police.

Batay sa pahayag ng asa­wang si Virginia, hu­ling nakita ang biktimang nakikipag-inuman umano sa ilang teenager sa may M. de Jesus St. sa na­sabing lugar pasado alas-2 ng mada­ling- araw.

Sinabihan pa umano niya ito na umuwi na dahil ga­bing-gabi na pero hindi nagtagal nabalitaan na lamang niyang sinaksak ang biktima.

Ayon sa pamangkin ng biktima nakita niya ang kanyang tito na sinaksak ng hindi niya nakilalang lalaki.

Ang kasong ito ay pa­tuloy na iniimbestigahan ng QC police.

Show comments