Cigarette vendor nilaslas ang leeg

MANILA, Philippines - Halos humiwalay ang ulo ng isang cigarette vendor matapos itong laslasin ng matalim na kutsilyo sa leeg ng hindi pa nakilalang salarin sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay nakilala lamang sa alyas na “Arman”, nasa edad na 45 hanggang 50-anyos at walang permanenteng tirahan­.

Base sa report ni PO3 Lardy Ignacio ng Pasig City Police-Criminal Investigation Division (CID), dakong alas-9:30 ng gabi nang matagpuan ang biktima sa harap ng Royal Star Appliance Center sa Caruncho Ave., Brgy. Malinao Pasig City.

Ayon kay Wilfredo Saldana, Barangay Ciudad En­force­men­t Office (BCEO), isang lalaki ang lumapit sa kanya­ at sina­bing may taong nakahandusay at duguan sa harap ng tindahan ng appliances.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang matalim na kutsilyo na ginamit sa pamamaslang.  

Show comments