Panghuhuli sa mga 'Yosi-Kadiri' simula na ngayon
MANILA, Philippines - Magpapakalat ng dagdag na tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) katuwang ang mga lokal na pamahalaan at pulisya sa panghuhuli sa mga “yosi-kadiri” o iyong mga taong walang pakundangang manigarilyo sa mga pampublikong lugar, ngayong Lunes.
Bilang hudyat ng paggunita sa “World No Tobacco Day” ngayong Hunyo 1, isang kontrata ang pipirmahan nina MMDA Chairman Francis Tolentino at mga alkalde ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila na nagsa saad ng kanilang pagsuporta sa kampanya na gawing “smoke-free” ang Kamaynilaan sa taong 2012.
Matapos nito, maglilibot si Tolentino sa ilang mga loading at unloading areas sa mga major at secondary roads sa MM kung saan tututok ang panghuhuli sa mga naninigarilyo sa mga pampublikong sasakyan.
Kaugnay nito, inutos na rin ni Manila Mayor Alfredo Lim ang paghuli sa sinumang naninigarilyo partikular ang mga empleyado ng city hall.
Ayon kay Lim, inatasan niya si Chief of Staff at Manila Anti-Smoking Task Force chairman Ricardo De Guzman na paigtingin ang kampanya at wala umanong dapat na santuhin.
“Kailangan natin panga lagaan ang ating kalusugan dahil ang malusog na pangangatawan ay makapagbibigay sa atin ng was tong pag-iisip para maging isang responsableng mamamayan,” ani Lim.
Mag-iikot naman ang MASTF enforcers sa pangunguna ni SPO4 Manuel Andaya Jr. sa palibot ng city hall.
Pagmumultahin ng P500 at pagkakakulong ng dalawang araw ang sinumang mahuhuli.
- Latest
- Trending