2 kelot nagduwelo: 1 patay, 1 sugatan

MANILA, Philippines - Tuluyan nang natapos ang pagkakaibigan ng   da­ lawang lalaki nang magduwelo sa patalim ang mga ito matapos na magkaalitan na nagresulta sa pagkasawi ng isa at pagkasugat naman ng isa pa sa lungsod Quezon.

Idineklarang dead-on-arrival sa Fairview Ge­neral Hospital si Cri­santo Lacsinto, 40, ng 106 Banahaw St.,  Group 2, Area B, Brgy. Payatas sa lungsod samantalang ginagamot naman sa East Avenue Medical Center si Froilan Llmanzare ng Campo Verde St., Q.C.

Sa ulat ng QCPD-Ba­tasan Police Station 6, nang­yari ang insidente sa may Campo Verde St., pasado alas-7 ng gabi.

Muling sumiklab ang ali­tan ng dalawa nang mu­ling magtagpo hanggang sa magduwelo at masaksak ng suspect ang biktima ng tatlong ulit sa dibdb habang tinamaan naman sa kamay ang una.

Show comments