^

Metro

Shotgun ng sekyu ng MRT aksidenteng pumutok: 4 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

Manila, Philippines - Tatlong pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) at isang guwardiya dito ang sugatan, nang aksidenteng pumutok ang shotgun ng isang guwar­diyang nagbabantay sa isang istasyon nito sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga biktima na sina Mary Anne Orozco, 36; Gaspar Malanday, 31; Ronel Bulanio, 24; at Lordiem Abelyar, security guard ng MRT.

Si Abelyar ang nasa malubhang kalagayan dahil sa tinamo nitong tama ng bala sa binti, habang ang ibang biktima ay nagtamo lamang ng mga minor injuries dahil sa mga sharpnel na tumama sa kanila.

Hawak naman ng pulisya ang suspect na si Cecilio Shane del Castillo Belleca, tubong Camarines Norte.

Nangyari ang insidente sa may tiket booth ng GMA Kamuning MRT Station, sa Edsa sa lungsod ganap na alas- 9:30 ng umaga. Kapapalit lamang umano ni Belleca sa kanyang karelyebo at nagbabantay dito nang aksidenteng makalabit nito ang gatilyo ng hawak niyang shotgun.

Dahil dagsa ang mga pasahero sa nasabing booth nagkagulo ang mga ito, hanggang sa malaman na lamang na tatlo sa mga pasahero nito ang sugatan.

BELLECA

CAMARINES NORTE

CASTILLO BELLECA

CECILIO SHANE

GASPAR MALANDAY

LORDIEM ABELYAR

MARY ANNE OROZCO

METRO RAIL TRANSIT

RONEL BULANIO

SI ABELYAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with