^

Metro

QC Hall employees, maagang tatanggap ng mid-year bonus

- Ni Angie dela Cruz -

Manila, Philippines - Tatanggap na ng kanilang mid-year bonus ngayong buwan ang mga empleado ng QC Hall upang matustusan ng mga ito ang pangangailangan ng mga anak sa pasukan.

Ito ay makaraang ipag- utos ni QC Mayor Herbert Bautista ang pagpapalabas ng pondo ng QC Hall budget, accounting at treasury department para maibigay ang benepisyo ng mga empleado bago sumapit ang Mayo 30.

Ang mid-year bonus ay kalahati ng basic monthly salary ng mga empleado at karagdagang 50% cash gift na P2,500.  

Ang mga entitled na maka­kuha ng benepisyo ay yaong lahat ng elective at appointive regular plantilla city-paid personnel ng city government na nakapagtrabaho ng may 4 na buwan mula Enero 1 hanggang Mayo 16, 2011.

Ang mga empleado sa City Hall na nasa part-time basis ay makakatanggap ng benepisyo depende sa kanilang sahod na kasalukuyang natatanggap at dagdag na pro-rata cash gift kung sila ay nakapagtrabaho sa QC Hall ng may apat na buwan.

vuukle comment

BENEPISYO

BUWAN

CITY HALL

EMPLEADO

ENERO

HALL

MAYOR HERBERT BAUTISTA

TATANGGAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with