Driver nagbigti

Manila, Philippines - Isang 41-anyos na driver ang nagbigti dahil umano sa matinding problema sa pamilya at ka-live-in nito ka­makalawa ng gabi sa Caloocan City.

Patay na nang matagpuang nakabitin si Luis Solomon, ng P. Jacinto St., ng na­sabing lungsod, dakong alas-8 ng gabi sa loob ng pinapa­sukan nito sa Asistio St., Brgy. 89, Caloocan City.

Nabatid kina Luzque Sa­boral 22; at Mirabel Alviso 20, kapwa stay-in housemaid sa pinapasukan ng biktima, hinanap umano nila si So­lomon dahil sa kakain na ng hapunan.

Nang tingnan ng mga ito ang silid na pinagpapahi­ngahan ay bumulaga sa kanila ang nakabigting biktima.

Sinabi pa ng mga saksi na bago ang pagpapatiwakal  ay nagkuwento sa kanila ang biktima hinggil sa problema nito sa pamilya at ka-live-in nito. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang nasabing kaso.

Show comments