^

Metro

Ginang utas sa parak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Matapos masangkot ang tatlong pulis-Makati sa pama­maril sa isang 13-anyos na basurero, isa na namang pulis ang iniulat­ na nakabaril at nakapatay sa isang 27-anyos na ginang sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Lilibeth dela Cruz, ng   Herbosa Ext. St., Tondo.

Suspect umano ang isang Allan Tolentino na miyembro ng Northern Police District.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa bahay ng biktima.

Nabatid na nagtungo umano ang suspect sa bahay­ ng biktima upang maningil ng pautang. Habang natutulog naman umano ang live-in partner ng biktima na si Jonathan Hortaleza ay sumisigaw at pilit na pinabubuksan ng suspect ang pintuan kaya binuksan ng biktima, gayunman nagkataong nagpaputok umano ng baril ang suspect nang lumabas ang biktima na tinamaan sa tiyan.

Nabatid na ang pakay umano ng suspect ay ang babaeng pinsan ng biktima habang ang live-in partner ng nasawi ay pinsan­ naman ng nasabing pulis kaya nakuha ang pagka­kakilanlan nito.

vuukle comment

ALLAN TOLENTINO

AYON

BIKTIMA

CRUZ

HABANG

HERBOSA EXT

JONATHAN HORTALEZA

KINILALA

NABATID

NORTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with