MANILA, Philippines - Dahil sa hindi makayanang sakit na diabetes, isang lolo ang nagbigti kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Patay na nang matagpuan si Icasiano de Sotto, 63, ng Brgy. Mapulang Lupa ng nabanggit na lungsod. Dakong alas-7 ng umaga nang nakitang nakabigti ng telephone cord ang biktima sa loob ng kanilang bahay ng kanyang anak na si Fernan.
Sa pahayag ng kaanak ng nasawi, nabatid na labis na itong nahihirapan sa kanyang sakit na diabetes, na sinasabing posibleng ito ang dahilan upang tapusin nito ang kanyang buhay.