Binatilyo todas sa best friend

MANILA, Philippines - Tila hindi nagustuhan ng isang 16-anyos na binatilyo ang “friendly advice” ng kanyang best friend nang saksakin at mapatay niya ito kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila. Kinilala ang nasawi na si Robin Rillo, 18, ng Dagupan Extension, Tondo, Maynila. Nadakip naman ang suspect na si Glenn matapos ang isinagawang krimen.

Lumilitaw na dakong alas-9:30 ng umaga nang ma­ga­nap ang insidente habang nag-uusap ang suspect at bik­tima sa panulukan ng Ra­xabago at Dagupan Ext. ng nabanggit na lungsod. Pinayuhan umano ng bik­tima ang suspect na huwag nang puntahan ang kasintahan na nakipag-break sa kanya dahil nagmumukha lamang itong tanga na posibleng minasama ng huli. Sa pahayag ni Ri­chard, kapatid ng biktima hindi umano nila inakalang mauuwi sa pananaksak ang pag-uusap ng biktima at suspect dahil magkapatid na ang tu­ringan ng mga ito sa isa’t isa at madalas na magbiruan. Na­pansin umano nilang nagbatuhan pa ng mani ang da­lawa hanggang sa kutsilyo na ang itinarak ng suspect sa biktima.

Show comments