^

Metro

Kinardyak na Fortuner ng ex-councilor nabawi, karnaper timbog

- Joy Cantos -

Manila, Philippines - Nasakote ng mga operatiba ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng carnapping syndicate na nasa likod ng pagtangay sa behikulo ng isang dating Councilor ng Ilocos Sur sa operasyon sa Quezon City kamakalawa. Kinilala ni PNP-HPG director Chief Supt. Leonardo Espina ang nasakoteng suspect na si Manchester Uy, ng Pluto St., Project 8, Quezon City.

Sinabi ni Espina, bago ang operasyon ay nakatanggap ng impormasyon ang kanilang mga intelligence operatives na naispatan sa Brgy. Bagbaguin, Novaliches, Quezon City ang nawawalang itim na 2010 Toyota Fortuner ni dating Ilocos Sur Councilor James Raguindin.

Nabatid na ang nasabing behikulo ay puwersahang tina­ngay sa nasabing dating konsehal at misis nito noong Abril 18 ng taong ito sa Sampaloc, Manila. Agad na nagsagawa ng surveillance operations sa lugar ang PNP-HPG hanggang sa maispatan na nakaparada sa tapat ng isang bahay sa Brgy. Bagbaguin ang hot car kung saan inaresto ang suspect dakong­ alas-10 ng umaga matapos itong maaktuhang sumakay sa behikulo.

Positibong kinilala ni Raguindin kahapon ang suspect na siyang sangkot sa carjacking ng kanilang behikulo sa kahabaan ng P. Florentino St., Sampaloc, Manila. Nahaharap ngayon sa kasong anti-carnapping at anti-fencing law ang nasakoteng suspect.

BAGBAGUIN

BRGY

CHIEF SUPT

FLORENTINO ST.

HIGHWAY PATROL GROUP

ILOCOS SUR

ILOCOS SUR COUNCILOR JAMES RAGUINDIN

LEONARDO ESPINA

MANCHESTER UY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with