Manila, Philippines - Ipinasara kahapon ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang dalawang gasolinahan dito dahilan sa kawalan ng business permit sa kabila ng pagsasagawa nito ng operasyon.
Ang mga naipasara ay ang gas station ng Flying V sa Mindanao Avenue at Caltex Station sa Brgy. Greater Lagro na naireklamo ng mga motorista dahil sa depektibo ang fuel pumps.
Ang Caltex station ay may 24 na fuel pumps na pawang depektibo at 2 iba pa na may short selling status at ang Flying V naman ay may 12 depektibong fuel pumps.
Sinabi ni QC Mayor Herbert Bautista na ang pag- ooperate anya na walang business permit ay isang tax fraud.