Fetus sa garapon, nahukay

MANILA, Philippines - Isang fetus na nakalagay sa isang garapon ang nahukay ng mga tauhan ng Maynilad Water Services Inc. habang nagkakabit ng tubo para sa koneksiyon ng tubig sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng hapon.

Dakong alas-2 ng hapon nang itawag sa Manila Police District-Homicide Section ang nasabing fetus na nadis­kubre sa panulukan ng Miguel at Matimyas Sts. sa Sampaloc. Dakong ala-1:45 nang makita ng naghuhukay ang garapon na may nakababad na fetus, na tinatayang nasa 3-buwan. Posibleng matagal nang ibinaon ang fetus na hindi naman agad nabulok dahil sa pagkababad umano sa kemikal o alcohol.

Show comments