Mister nagbigti

MANILA, Philippines - Nang dahil sa pangungulila sa tatlong anak at misis, isang 32-anyos na construction worker ang nagbigti sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Marlon Ravanilla.

Ayon sa ulat, dakong alas-11 ng gabi nang madiskubre ang pagbibigti ng biktima gamit ang sinturon sa loob ng ka­nilang bahay sa Tondo.

Isang pamangkin nito ang nakakita sa kaniya na inakalang nakasandal sa dingding subalit nang lapitan ay nakita ang nakapulupot na sinturon sa leeg at hindi na gumagalaw. Nakita rin na halos nakasayad naman ang mga paa sa sahig dahil mababa lamang ang pinagsabitan ng sinturon.

May ilang taon na umanong hiwalay ang mister sa kanyang misis na dinala umano ang kanilang tatlong anak.

Show comments