MANILA, Philippines - Arestado ang isang 50-anyos na lolo matapos nitong molestiyahin ang tatlong magkakapatid na batang babae, na apo-apuhan nito kahapon sa Navotas City.
Nakakulong sa Navotas City Police at nahaharap sa kasong Multiple Statutory Rape at Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 si Antonio Grutas, ng JB Santos St., Wawa, Brgy. Tangos ng nasabing lungsod.
Sa pahayag ng magkakapatid na 11, 7, at 5-taong gulang kay PO3 Belany Dizon ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas City Police, simula pa umano noong Disyembre taong kasalukuyan nang umpisahang molestiyahin ng suspect ang pinakamatandang apo hanggang sa sumunod pa ang dalawa pa.
Madalas umanong tinatakot ng suspect ang mga apo hanggang sa magpasyang magsumbong sa kanilang tiyuhin. Nang malaman naman ng tiyuhin ang ginagawa ng suspect sa mga pamangkin nito ay agad nitong sinamahan ang mga biktima sa himpilan ng pulisya upang magreklamo at kahapon ka ay dinakip ng mga pulis si Grutas.