MANILA, Philippines - Magkakaroon na rin ng sariling drug test laboratory ang Quezon City Hall sa loob ng compound nito.
Ayon kay QC Vice Mayor Joy Belmonte, naglaan ang pamahalaang lungsod ng halagang P500,000 para rito at inaasahang sa loob ng tatlong buwan ay mapapakinabangan na ito ng mga taga-lungsod, gayundin ng mga QC students na kailangang sumailalim sa random drug testing ng Department of Education.
Si Belmonte, na siya ring chairperson ng QC Anti-Drug Abuse Coordinating Advisory Council (QCADACAC) ang siyang mangangasiwa sa proyektong ito.
Kapag naitayo na ang proyekto, ang QC ang magiging kauna-unahang lokal na pamahalaan na magkakaroon ng sariling drug test laboratory.
Sa ngayon ang QCADACAC ay nagha-hire ng medical technologists at nurses para makopo ang kailangang staff requirements ng drug testing center ng QC.