Obrero utas sa nagbabagang bakal

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang kawani matapos na aksidenteng tumagos sa katawan nito ang isang lumalagablab na bakal na tumalsik mula sa makinang ino-operate nito sa isang pabrika ng bakal sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa ospital si John Mark Mandras, 21, ng Metro Dragon Steel, Inc., na nasa #8 MGM Industrial Compound, Sitio Gitna, Brgy. Kaybiga, Caloocan. Nagtamo ito ng matinding pinsala sa kanang dibdib na tumagos sa likod nito.

Naganap ang insidente dakong alas-12:55 ng mada­ling-araw sa loob ng Metro Dragon Steel Corp. habang abala ang biktima sa trabaho nito, nang aksidenteng tumalsik ang lumala­gablab na bakal mula sa aparato o makinang paggawa nito. Tumama ito mismo sa dibdib ng biktima na tumagos pa hanggang sa likuran.

Show comments