Buhay kapalit ng P50 parking fee

MANILA, Philippines - Buhay ang naging kapalit sa pagtanggi ng isang trucking checker na magbayad ng halagang P50 na parking fee sa tumatayong kolektor sa isang kalye sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dalawang bala ang sanhi ng kamatayan ng biktimang si Elvis Moscoso, checker ng PKT Trucking at residente ng Tondo, Maynila.

Isang alyas “Buddy” ang tinutugis pa ng pu­lisya na itinuturong bumaril sa biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng GOTHONG Company, Vitas St.,Tondo, Maynila.

Nabatid na nagdidiskarga umano ng saku-sakong bigas sa nasa­bing compound ang ilang pahinante nang singilin ng suspect ng parking fee ang checker na si Moscoso. Tumangging magbayad ang biktima hanggang sa barilin siya ng suspect.

Nang bumulagta na ang biktim ay mabilis na tumakas ang suspect.

Show comments