^

Metro

Motorsiklo salpok sa kotse: Rider patay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sa kabila ng paulit-ulit na disgrasyang nangyayari sa mga motoristang hindi nagsu­suot ng helmet, tila marami pa rin ang matitigas ang ulo, matapos na isa na namang rider ang patay at malubha naman ang angkas nito nang makipagsalpukan ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang kotse sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Jeffrey Jimenez, 19, ng Block 5, Lot 14, Doña Asuzena St., Greenfield St., Brgy. San Agustin sa lungsod. Habang ang angkas nitong si Sonny Articulo, 19, binata, ay inoobserbahan naman­ sa Novaliches General Hospital.

Natukoy naman ang driver ng nakabanggaang kotse na si Alih Bryan Catis, 32, ng Block 13, Lot 4, Giraldo St., sa nasabi ring barangay.

Sa ulat ng Traffic Sector 2 ng QCPD, nangyari ang insi­dente sa may kahabaan ng Susano Road, corner Greenfield, Novaliches ganap na alas-12:30 ng madaling-araw.

Diumano, sakay ng Mitsukoshi motorcycle (UD-2111) ang mga biktima at binabaybay ang lugar nang sumalpok ito sa kasalubong na Toyota Altis­ (XNN-441) na mina­maneho ni Catis.

Sa lakas ng impact, umigtad mula sa kanyang motor­siklo si Jimenez saka tumilapon sa windshield ng kotse. At dahil walang suot na helmet, nagtamo si Jimenez ng ma­tinding pinsala sa katawan. Habang si Articulo na tumilapon naman sa kalsada ay nagtamo rin ng mga sugat sa katawan.

ALIH BRYAN CATIS

ASUZENA ST.

GIRALDO ST.

GREENFIELD ST.

HABANG

JEFFREY JIMENEZ

JIMENEZ

NOVALICHES GENERAL HOSPITAL

SAN AGUSTIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with