Motorsiklo salpok sa bangketa: Rider patay

MANILA, Philippines - Isang rider ang nasawi habang sugatan naman ang angkas nitong babae nang mawalan ng kontrol ang sinasakyan nilang motorsiklo at sumalpok sa bangketa sa Brgy,. Talipapa sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot sa lugar ang biktimang si Marlon Martinilo, 25, ng Milagrosa St., Villa Silvina, Brgy. Talipapa sa lungsod. Habang ang angkas nitong si Maria Fe Uson, 26, dalaga, security guard ng nasabi ring lugar ay ginagamot naman sa East Avenue Medical Center.

Sa ulat ni SPO2 Reynaldo Patiag ng Traffic Sector 6 ng Quezon City Police, nangyari ang insidente sa may Tamban St., corner Carpa St., Villa Silvina, Brgy. Talipapa ganap na alas- 2:30 ng madaling araw.

Sinasabing sakay ng Honda wave motorcycle (PH-1099) ang dalawa na minamaneho ni Martinilo patungong direction ng Quirino Highway kung saan pagsapit sa Carpa St., ay biglang rumampa sa gutter dahilan para mawalan siya ng kontrol sa manibela.

Dahil dito, direktang sumalpok ang motorsiklo sa may bang­keta dahilan para tumilapon ang dalawa. Si Martinilo na walang­ suot na helmet ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan at agad na nasawi sa lugar. Habang si Uson naman ay nagtamo rin ng pinsala sa katawan ay agad na nasaklolohan ng paramedic at dinala sa nasabing ospital.

Show comments