Taxi driver utas sa vendor

MANILA, Philippines - Patay ang isang taxi driver makaraang pagsasaksakin ng isang vendor na nagalit matapos na maaktuhan ang asawa habang nakikipaghalikan sa una sa loob ng pinapasada nitong taxi sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Si Ruel Panganiban, 40, ng Bagong Silangan sa lungsod ay agad na binawian ng buhay bunga ng mga tama ng saksak sa kanyang buong katawan.

Ang suspect na si Jemson Justiniano, 40, ay agad na nadakip ng taumbayan ay umamin sa kanyang ginawa sa pagsasabing nagdilim anya ang kanyang paningin matapos makita ang asawa at biktima na naghahalikan sa loob ng taxi.

Ayon sa suspect, matagal na umano siyang naghihinala na kinakaliwa siya ng asawa na ang una ay binalak lang niyang hulihin sa akto at ireklamo sa barangay pero nagbago anya ito ng personal ng makita ang pangyayari. Dakong alas-12 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa may harap ng Commonwealth market, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Diumano, sakay ng kanyang pinapasadang Ken-Ken taxi (PXK-926) ang biktima kasama ang babaeng umano’y asawa ng suspect nang sumulpot ang huli at binuksan ang pinto ng driver’s seat saka inatado ng saksak ang una.

Dagdag pa ng suspect, kilala umano niya ang biktima dahil minsan na nilang naging driver ito sa kanilang jeepney na pang­deliber ng gulay.

Show comments