2 sinalvage sa Maynila

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng lalaki na kapwa may malalim na sugat sa leeg, naka-packaging tape ang mukha, at  kapwa nakagapos patalikod ang mga kamay, ang natagpuan sa bisinidad ng Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Nakalagay ang placards sa kanilang bangkay na may nakasulat na-“ patawad sa mga biktima ko, holdaper ako, snatcher ako.” Sa ulat ni PO3 Govanni Valera, nasa pagitan ng 21-25-anyos, may tattoo sa braso na “Vina” nasa 5’2 ang taas , habang ang isa naman ay may tattoo na  “Aries at PO3 de  Guzman”.

Nabatid na dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang madiskubre ng isang taxi drayber ang isa sa dalawang bangkay sa harapan ng Corona Bldg., C.M Recto Ave. habang ang isa naman ay namataan ng basurero sa Laong-Laan Street sa Sampaloc, Maynila.

May teorya ng pulisya na maaring grupo ng gang ang may kagagawan ng pamamaslang.

Show comments