10 kabataan tumakas sa DSWD

MANILA, Philippines - Sampung kabataan na pawang may mga kaso at nakakulong sa holding area ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Navotas City ang tumakas matapos nilang lagariin ang bintanang bakal kahapon ng umaga. Dalawa pa lamang sa sampung pumuga ang nadakip ng mga awtoridad habang pagala-gala ang mga ito sa Navotas Fish Port Complex.

Nabatid na sa pagitan ng alas-3:30 hanggang alas-4 ng umaga nang tumakas ang naturang mga menor- de-edad sa nabanggit na detention cell na kadikit sa Navotas City Police Station. Sa salaysay pa ng isa sa mga bantay, nagising na lamang siya dahil sa malakas na tugtog ng radyo at nang kanyang puntahan kung saan dito naglalagi ang mga kabataang nakakulong ay natuksalan nito na nakapuga na ang nabanggit na mga youth offenders.

Show comments