Bank employee utas sa riding in tandem

MANILA, Philippines –  Muli na namang sumalakay ang mga kilabot na riding in tandem­ makaraang pagbabarilin at mapatay ang isang empleyado ng Development Bank of the Philippines kahapon ng umaga sa Makati City. Agad na nasawi ang biktimang nakilalang si Rolando Hernandez, sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang dalawang salarin lulan ng isang hindi naplakahang motorsiklo makaraan ang pamamaril.

Naganap ang pananambang dakong alas-7:50 ng umaga sa kanto ng Zapote St. at Kalayaan Avenue sa Brgy. Sta. Cruz ng naturang lungsod. Sakay ng kanyang berdeng Mitsubishi Lancer (NYX-251) ang biktima papasok sa trabaho nang harangin ng dalawang salarin at sunud-sunod na paputukan ang una bago nagsitakas ang mga huli.

Show comments