Salvage victim natagpuan sa Maynila

MANILA, Philippines –  Isa na namang biktima ng salvage na pinaniniwalaang miyembro ng Commando Gang na nakabalot ng packaging tape ang ulo,

may bakas ng sakal sa leeg at napupuluputan ng tali ang natagpuan sa likod ng National Museum sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima sa edad na 25-30; may taas na 5’, maigsi ang buhok, ka­yumanggi, nakasuot ng puting t-shirt na may naka­sulat na “Stronghold In­surance” sa likod at camouflage na short pants.

Dakong alas-7:10 ng umaga­ nang matagpuan ng mga tauhan ng Leonel Waste Management ang isang trash bag na itim sa likuran ng National Museum sa Taft Avenue, malapit sa Finance Road, Ermita, Maynila na doon nakalagay ang biktima. 

Dinala ang bangkay sa St. Harold Funeral Homes.

Show comments